Search
  • Balibago Waterworks

FAQ's for Balibago Waterworks Bills Payment

Updated: Jul 9


Q: PWEDE BA AKONG MAGBAYAD KAHIT HINDI KO DALA ANG STATEMENT OF ACCOUNT (SOA) KO?


A: Pwede kang magbayad ng Balibago Waterworks bill mo kahit hindi mo dala ang iyong SOA. Kailangan niyo lang mag-fill out ng Bayad Form at siguruhin na tama ang account name, account number, bill number na ilalagay, at yung amount na gusto ninyong bayaran para sa inyong Balibago Waterworks bills.


Q: ANU-ANO ANG AFFILIATES NA PWEDE KONG BAYARAN BUKOD SA BALIBAGO WATERWORKS?


A: Bukod sa inyong Balibago Waterworks bills, maaari rin pong bayaran ang inyong water bills mula sa iba nitong affiliates na:

  • BCBI Waterworks

  • Crystal Liquid Waterworks

  • Hiyas Water Resources

  • Laguna Bay Waterworks

  • MR3H Waterworks

  • South Balibago Waterworks


MAHALAGANG PAALALA: Kung magbabayad ng bills mula sa mga ibang affiliates ng Balibago Waterworks na nakalista sa taas, mangyaring pakisulat pa rin sa iyong Bayad Form na “BALIBAGO WATERWORKS” ang biller na inyong babayaran.

Q: ANU-ANO ANG MODES OF PAYMENT NA PWEDE KONG GAMITIN SA PAGBABAYAD? TUMATANGGAP DIN BA KAYO NG CHECK PAYMENTS OR CASH LANG?


A: Sa ngayon, cash payment pa lang ang tinatanggap sa Bayad Centers at Partners para sa inyong Balibago Waterworks payments.


Q: MAGKANO ANG CONVENIENCE FEE KAPAG SA BAYAD CENTERS OR PARTNER AKO NAGBAYAD?


A: Mayroong Php 10.00 na convenience fee na kailangang bayaran sa Bayad Center.

Q: PWEDE PO BA MAGBAYAD NG PARTIAL AND OVER PAYMENT?


A: Bagama’t hinihikayat na bayaran nang buo ang amount due na nakalagay sa SOA lalo na kung ito ay lampas na sa itinakdang due date, maaari pa ring magbayad ng partial at over payment sa mga Bayad Center at partners nito.



Q: KAILAN MAG-REREFLECT SA ACCOUNT KO YUNG BILLS PAYMENT KO?


A: Sa susunod na working day ay mag-re-reflect na sa system ang inyong binayad.


Q: PWEDE RIN BA MAGBAYAD SA BAYAD APP OR BAYAD ONLINE NG BALIBAGO WATERWORKS BILLS KO?


A: Sa ngayon, pwede pa lamang mabayaran ang inyong Balibago Waterworks Bills sa pinakamalapit na Bayad Center or Bayad Partner sa iyong lugar.


Maaring i-like or i-follow na lang din ang official social media pages ng BAYAD para manatiling updated:


Facebook/Instagram/Twitter/Youtube: bayadphofficial

Website: www.bayad.com


Maari din po kayong tumawag sa Bayad Customer Care hotline para sa inyong concerns:

(02) 8672-5777, (0917) 836-3000, (0920) 966-3000







253 views0 comments

Recent Posts

See All